Tuesday, April 28, 2020
MGA EPEKTO NG BULLYING Essays (1755 words) - Kartilya Ng Katipunan
KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Ang kabanata na ito ay nglalaman ng introduksyon, layunin ng pag-aaral, kahalagahan ng pag-aaral, saklaw at limitasyon ng pag-aaral at depinisyon ng mga terminolohiya. Introduksyon Ano nga ba ang bullying? Lingid sa ating kaalaman ang bullying ay nagangahulugang pangugutya ito sa kapwa tao dahil mayroon siyang pagkakaiba sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sa panahon na kung saan lahat ng kabataan ay tila alam ang lahat ng bagay sa mundo, hindi maiwasan ang pananakit sa mga kabataang para sa kanila ay mahina o walang alam. Ang bullying ay isang pag-uugali ng isang bata na maari niyang nakukuha sa mga kaugalian ng mga mas nakakatanda sa kanya, mga nagagap sa kanyang karanasan o di kaya sa kanyang kapaligiran. Madalas ito magsimula sa kanilang tahanan hanggang sa eskwelahan. Isang halimbawa ng pangyayaring nakakaapekto sa bata ang pagkakaroon ng magkahiwalay na magulang, dahil maaring dito magmula ang paghahanap ng attensyon ng bata sa pamamagitan ng pangungutya sa iba. Maari din naman na ito ay dahil sa pagkaligalig(istres o presyon) na likas na nararamdaman ng isang batang may pinagdadaanan sa buhay. Ang pambubully at paulit-ulit na panunukso ay isang agresibong pag-uugali na maaring magdulot ng negatibong epekto sa tanong dumaranas nito. Ito ay nagdudulot ng depresyon na nagiging sanhi ng kawalan ng interes na magpatuloy sa pag-aaral, pagkawalan ng tiwala sa sarili o mas Malala, maging sanhi ng pagpapakamatay. Nakakasira ito sa kagalingan at pagunlad ng isang batang may ganitong asal lalo na sa mga batang biktima nito. Layunin ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito at isinagawa upang malaman ang mga epekto ng bullying sa pag-aaral at pag-uugali ng mga mag-aaral sa Cavite State University. Nais malaman ng pag-aaral na ito ang sagot sa mga katanungang: Ano ang bullying? Bakit may mga nabubully? Anu-ano ang mga bagay na nakakaapekto kapag nabubully? Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga : Mga Mag-aaral , upang kanilang malaman na malaki ang epekto ng pambubully sa kapwa nila mag-aaral. Hindi lamang sa pisikal kundi sa emosyonal na nararamdaman. Mga Magulang , upang kanilang malaman ang mga maari nilang gawin upang makatulong maiwasan ang pagka-depres ng kanilang mga anak at makatulong na mapataas ang tiwala ng kanilang anak sa sarili. Mga Guro, upang malaman nila ang maari nilang gawin lalo na kung ang nagyaring pambubully ay naganap sa loob ng kanilang silid aralan. Tagapangasiwa ng Paaralan, ang resulta o kinalabasan ng pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng dahilan upang makatulong sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, mga gawain at ibapang hakbang upang makatulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang persepsyon o pananaw tungkol sa paksang ito. Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap, ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay upang sila ay makakuha ng karagdagang kaalaman at kaugnay na literature. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga epekto ng bullying sa pag-aaral at pag-uugali ng mga magaaral sa Cavite State U niversity . Nalimitahan ang pag-aral na ito sa mga estudyante ng Cavite State University sa C armona Campus, limampung mag-aaral (50) mula sa ika-unang taon sa kolehiyo. Depinisyon ng mga Terminolohiya Upang mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat naming bigyang ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong - papel na ito: Bullying pangungutya at pananakit ng isang tao sa kanyang biktima pisikal at emosyonal. Cavite State University paaralan kung saan nakatuon ang pag-aaral na ito. Child-friendly lugar na kung saan mabuti para sa mga bata dahil naituturing na ligtas makihalobilo ang mga bata. Developmental stage estado ng buhay na kung saan, nadedevelop ang ugali at pakikitungo ng isang tao. Maaring sa mabuting paraan at maling paraan, para sa pananaliksik na ito, ang bullying ay maituturing na developmental stage. Pag-aaral ( pananaliksik) ginamit na terminolohiya na katumbas ng salitang research. Pag-aaral pagnanais na matuto ng mga bagay pang akademiko sa isang paaralan. Kabanata II Mga Kaugnay na Literatura Sa artikulo na mababasa sa pahayagan ng Balita.net, isang website na nag-ulat na ang isang bata ay namatay dahil sa pangbu-bully ng mga kamag-aral. Ayon dito, napikon umano ang siyam(9) na taong gulang na bata matapos itong asarin ng
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.